BOMBO DAGUPAN – Naglunsad ng Community Service ang Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club upang magbigay ng libreng sugar at blood pressure test sa mga OFWs sa kanilang holiday at Sunday Day off.

Ayon kay Marlon Pantat De Guzman, Bombo International News Correspondent sa Hong kong, ang nasabing aktibidad ay may layuning makatulong sa kanilang kapwa tao.

Aniya, walang limitasyon ang serbisyo at ito ay bukas sa lahat ng OFWs ar maging sa ibang lahi na gustong magpa suri.

--Ads--

Saad ni de Guzman na hindi sila nanghihingi sa mga sponsors dahil ang pondo ay nangaggaling mismo sa kanilang kontribusyon.

Aniya, may monthly contribution na nililikom sa lahat ng membro para maibigay ang nasabing community service sa mga kapwa Pilipino.