Dagupan City – Kasabay ng paggunita National Women’s month ay nagsagawa ang PhilHealth Region 1 ng Celebrity ukay- ukay for a cause.
Kung saan mapupunta ang malilikom nila para sa mga kababaihan at empleyado ng Philhealth na may chronic kidney disease (CKD) at cancer.
Ayon kay Cynthia Santos ang siyang Division Chief, Gender and Development Vice Chairperson ng Philhealth Regional Office 1 na kada taon ay kanila nang isinagawa ang mga ganito aktibidad bilang parte sa paggunita ng National Women’s Month, aniya na bukod sa mga preloved clothes ay mayroon din iba’t ibang uri ng paninda ang inilitag ng mga nakilahok sa fundraising tulad na lamang ng mga produktong pagkain at organic. Ang kaganapan ay magtatagal ng isang linggo dahil maraming mga nakalatag na aktibidad ang tanggapan.
Nilalayon ng selebrasyon na ito na maipagbunyi ang bawat kababaihan na manggagawa ng kanilang opisina dahil sa kanilang katatagan at kakayahan
Samanatala, Ipinahayag din ni Provincial Director Natalia B. Dalaten ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan na buo ang suporta nto bilang guest of speaker dahil ang kanyang paniniwala na ang pagkakapantay-pantay ng kasarian ay hindi lamang tungkol sa pagiging patas, kundi tungkol din sa pagbubukas ng mga posibilidad at pagtitiyak na may pantay na pagkakataon ang kababaihan upang magtagumpay.
Binigyang diin ni Provincial Director Natalia B. Dalaten ang panawagan para sa pagkakaisa at pagpapalakas ng kababaihan.
Ngayong taon ang tema sa pagdiriwang ng Nationa Women’s month: Babae sa Lahat ng Sektor. Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas.”