DAGUPAN CITY- Kasalukuyang isinasagawa ngayon ang Region 1 athletic association o R1AA 2025 mula sa iba’t ibang division at mga laro sa buong rehiyon uno. At ngayong taon ang nagsilbing host municipality event ay ang Bacnotan La Union.

Mayroong 23 sports ang kabilang sa R1AA na nilahukan ng iba’t ibang eskwelahan mula sa probinsya ng Ilocos Norter, Ilocos Sur, Pangasinan at La union.

Samantala, kabilang din sa R1AA ang gymnastics at swimming kung saan dito sa lungsod ng Dagupan, kasalukuyang isinasagawa ito.
Kaugnay nga nito ay nakapanayam ng bombo radyo dagupan ang ilang trainor at swimmer na kasama sa kompetisyon.

--Ads--

Samantala, Ayon kay Coach Albert Gellano na sa ilang taon na nitong nagtuturo at sumasama sa R1AA ay nakapag-uwi na rin sila ng medalya simula taong 2017.

Kaugnay nito ay tiniyak ng Lokal na Pamahalaan ng Bacnotan La Union, Deped Regional Office 1, mga opsiyal ang pagiging handa sa R1AA lalong lalo na pagdating sa health and safety protocol, mga pangangailangan ng bawat manlalaro at iba pa.