Dagupan City – Nasawi ang isang backride habang patuloy na inoobserbahan sa pagamutan ang driver ng motorsiklo matapos silang maaksidente sa bayan ng San Jacinto.
Idineklarang dead on arrival ang backride pagdating sa ospital dahil sa tinamong matinding pinsala sa katawan.
Ayon kay PMaj.Napoleon Velasco Jr., Chief of Police ng San Jacinto Police Station, naganap ang insidente pasado alas tres ng madaling araw sa National Road sa Barangay Sta. Maria sa nasabing bayan.
Aniya agad na isinugod sa pagamutan ang dalawang sakay matapos tumilapon sa kalsada.
Batay sa imbestigasyon, pagdating sa palikong bahagi ng kalsada ay nag-overshoot umano ang driver at bumangga ang motorsiklo sa isang pader sa gilid ng kalsada.
Sa lakas ng impact ay nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang biktima.
Lumalabas din sa isinagawang pagsusuri na positibong nakainom ng alak ang mga sangkot sa insidente.
Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang iba pang detalye kaugnay ng aksidente at inihahanda ang kaukulang dokumentasyon sa insidente.










