Dagupan City – Arestado ang isang babaeng pinaghahanap ng batas matapos itong madakip sa isinagawang law enforcement operation ng mga tauhan ng Mangatarem Municipal Police Station sa Mangatarem noong umaga ng Marso 8, 2026.
Pinangunahan ang operasyon ng mga operatiba ng himpilan sa ilalim ng pamumuno ni PMaj. Arturo C. Melchor Jr., Chief of Police ng nasabing istasyon. Naganap ang pag-aresto bandang alas-9:40 ng umaga sa nasabing bayan.
Isinagawa ang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa Delfin Albano Police Station na nasa ilalim ng Isabela Police Provincial Office ng Philippine National Police sa Region 2.
Ang suspek, na residente ng Mangatarem, Pangasinan, ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Mangatarem Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang legal na proseso.








