Dagupan City – Mga kabombo! Sinong mag-aakala na ang pusod pala ang maghahatid sa’yo ng malakinng income?
Kakaiba kasi ang naging karanasan ng babae sa England. Kinilala ito na si Kirsty Stroud, na ipinanganak sa Folkestone, England.
Ayon sa ulat, naging malala ang medical condition na ito ni Stroud dahil ang kanyang mga bituka at kidneys ay nasa labas ng kanyang tiyan at malapit sa belly button o pusod.
Nang ipanganak kasi siya ng kaniyang ina,kinailangan nitong sumailalim sa Caesarian operation para mailabas ang premature baby na si Kirsty. Na-isalba naman ng mga doktor ang buhay ni Kirsty at ng kanyang ina, pero kinailangan din siyang operahan para maipasok sa loob ng tiyan ang kanyang mga bituka at kidneys.
Dahil doon, nawala ang kanyang pusod, at sa halip ay nagkaroon siya ng malaking peklat sa kanyang tiyan.
Sa sobrang hiya, noong magdalaga na siya ay hindi siya nagsuot ng bikini o nagtatanggal ng pang-itaas kapag mayroon siyang gym class para walang makapansin na wala siyang pusod.
Tanggap naman ni Kirsty na hindi na niya kayang baguhin ang nangyari, ngunit imbes na magpadaig sa mga pangungutya, naglaan siya ng oras para sumailalim sa physical fitness.
Hanggang sa tuluyan na nga itong gumawa ng OnlyFans account, kung saan ipinapakita niya ang maskuladong pangangatawan at tiyan na walang pusod sa mga miyembro ng platform na handang magbayad sa kanya ng cash.
Doon din naging popular si Kirsty sa naturang platform kung saan ay kumikita siya ng halos US$40,000 kada buwan o higit P2,300,000.