DAGUPAN CITY- Mga Ka-Bombo! gaano ka ka-sporty?
Kaya mo bang isuot ang iyong sports shoes kahit na matanggal ka sa trabaho bilang iyong OOTD?
Ito kasi ang nangyari sa isang 20-anyos na babae mula sa UK na si Elizabeth Benassi, kung saan tinanggal siya sa trabaho dahil lamang sa pagsusuot ng sports shoes.
Ayon kay Benassi, hindi siya aware na may dress code ang kumpanya at naramdaman niyang pinili siyang parusahan kahit na may ibang empleyado na nagsusuot din ng parehong sapatos.
Ang korte sa Croydon ay nagdesisyon pabor kay Benassi, at tinawag itong hindi makatarungan.
Inatasan ang kumpanya na magbayad ng 29,187 pounds o tumataginting na halos P30 milyon bilang danyos dahil sa hindi makatarungang trato sa kanya.
Ang desisyong ito ay nagbigay pansin sa isyu ng diskriminasyon batay sa edad, at nagsilbing tagumpay para sa mga karapatan ng mga kabataang manggagawa.