Babae na natinik sa kinain na isda, sa leeg niya lumabas ang tinik!

Mga kabombo! Mahilig ka bang kumain ng isda?

Nasubukan mo na bang matinik? Gaano ka nakasisigurong kaya mong himay-himayin ito para hindi mo makain ang tinik?

--Ads--

Isang hindi kasi inaasahan na pangyayari ang nangyari sa isang babae sa Thailand dahil muntik na itong masawi dahil sa tinik?

Ayon sa ulat, lumabas sa kanyang leeg ang tinik na kanyang nalunok.

Sa katunayan aniya, dalawang linggo na ang nakalilipas nang hindi sinasadyang malunok ng babae ang maliit na tinik habang kumakain ng isda.

Sinubukan pa naman itong tanggalin gamit ang mga karaniwang paraan gaya ng paglunok ng kanin at saging pero hindi ito umubra.

Dahil dito, pakiramdam umano ng babae ay nakadikit sa lalamunan ang tinik.

Nagpunta sila sa ospital at nagpa-X-ray, pero walang nakitang tinik ang doktor.

Habang tumatagal, namaga at sumakit ang leeg ng babae.

Sa kalagitnaan ng kanyang paghihilom, napansin niyang may matigas at matulis na bagay na unti-unting lumalabas sa balat ng kanyang leeg.

Nang tuluyang lumitaw ang dulo ng tinik, agad silang bumalik sa ospital at maingat itong tinanggal ng mga doktor.

Ayon sa mga doktor, bihira ang ganitong kaso kung saan ang tinik ay gumapang palabas ng katawan.