Mga kabombo! Gaano nga ba ka entitled ang mga “vlogger”?
Ito kasi ang naging katanungan ng mga nitizens matapos magviral ang video ng isang Motovlog na nagbitiw ng salitang tumatak sa isipan ng mga nakapanood ng video na “NO! You Tell Me!”
Kinilala ang motovlogger na si Yanna Motovlog, aka Alyanna Mari Aguinaldo, kung saan siya mismo ang kumuha ng video na nagpapakita na nakikipagtalo siya sa driver ng isang pickup truck.
Sa caption, tinawag niyang “dmbss” ang driver. Agad naman itong nag-viral at umani ng samu’t saring komento at reaksiyon mula sa netizens, riding community, at pati na rin mga kinauukulan.
Ang pinagtatalunan nila: sino ang tama at mali sa viral incident?
Pero sa statement na inilabas ng LTO, ang pagpapatawag o “show cause order” (SCO) kay Yanna ay dahil sa pagsisimula niya ng road rage.
Mahihinuha sa video na nagkaroon ng biyahe papuntang Zambales ang isang riding crew na kinabibilangan ni Yanna.
Sa isang punto ng video, ipinakita ni Yanna ang isang silver pickup truck sa kanyang unahan na binabagtas ang dirt path.
Kasunod nito ay makikitang tiningnan niya ang driver ng pickup truck at saka nag-middle finger.
Nang papalapit na ang pickup truck, maririnig si Yanna na isinigaw sa mga kasama ang tungkol sa parating na pickup truck. Hangang sa nakalapit ito at bumaba saka nilapitan si Yanna.
Pagkalapit nito ay tinanong ng driver kung bakit nag-dirty finger ang motovlogger. Balik-tanong ni Yanna sa driver, “Bakit nga ba?”
Sa palitan ng sagot ng dalawa ay tumaas ang boses ng motovlogger, habang nanatiling kalmado ang driver.
Dito na rin iginiit ng female rider na hindi umano ginagamit ng pickup driver ang kanyang side mirror, gayong walang side mirror si Yanna.
Dahil sa pangyayari, panandaliang tinanggalan ng driver’s license ang isang female motovlogger dahil sa pagsisimula nito ng road rage sa Zambales.
Bukod pa rito, nanganganib din siyang sampahan ng ilang kaso ng Land Transportation Office (LTO).