Patay ang isang 41 anyos na babaeng may epilipsy matapos malunod sa isang ilog sa Brgy Eguia, sa bayan ng Dasol dito sa lalawigan ng Pangasinana.
Ayon kay Police Capt. Ramil Llaneras, chief of police ng Dasol PNP, umalis umano ng bahay nila ang biktima na si Alma Maggay 41 anyos, at residente sa nasabing lugar pero makalipas ang anim na oras ay nakita na itong nakalutang sa Magunao river .
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na may sakit na epilepsy ang biktima at habang naglalakad sa glid ng ilog ay inatake sa kanyang sakit kaya nahulog ito sa ilog.
Ayon sa kuwento ng kanyang mga kaanak, hindi daw nila alam na lumabas ito sa kanilang bahay kaya nila ito hinanap at bandang alas tres na ng hapon ay nakita ito na nalunod na.
Dinala pa ito sa Dasol Community Hospital subalit deneklarang patay na ng kanyang attending physician.
Napag-alaman na ito ang ikalawang insidente ng pagkalunod na naitala sa bayan ng Dasul ngayong taon.