BOMBO DAGUPAN- Ginawaran ng Guinness World Record Title ang isang babae sa Texas dahil sa laki ng kaniyang dila.

Tinalo ni Brittany Lacayo ang dating record ni Emily Schlenker na may lawak na 2.89 inches. Umaabot lang naman ang lawak ng kaniyang dila sa 3.11 inches.

Kasing lawak na umano ng kaniyang dila ang haba ng dila ng isang adult na babae.

--Ads--

Nang sinukat nila ang dila ni Lacayo, mas malawak pa ang dila nito kaysa sa haba mula epiglottis, ang flap ng cartilage na matatagpuan sa likod ng dila.

Samantala, hawak naman ni Brian Thompson ng America ang record ng mga lalaki. Mayroon itong 3.49 inches wide.