BOMBO DAGUPAN – Inakala ng isang babae na kailangan lang niyang magbanyo dahil biglang sumakit ang kanyang tiyan pero yun pala ay manganganak na siya.

Ito mismo ang nangyari kay Tayvia Woodfork, 26 anyos, nang kumain sa isang eat-all-you-can restaurant sa North Little Rock, Arkansas, sa USA.

Kuwento ng babae, hindi niya alam na buntis pala siya.

--Ads--

Noong Mayo 4, 2024, nagtungo si Tayvia at buong pamilya niya sa Golden Corral Restaurant para kumain.

Nang maramdaman niyang sumasakit ang tiyan, dali-dali siyang dumiretso sa comfort room.

Walang kaalam-alam si Tayvia na 37 linggo na palang buntis.

Hindi kasi siya nakaramdam ng mga senyales tulad ng weight gain o paggalaw ng sanggol sa kanyang sinapupunan.

Makalipas ang 10 minuto ay hindi pa rin nakakabalik mula si restroom si Tayvia kaya nagdesisyon si Tameka na sundan ang kanyang anak at nadatnan niyang umiiyak na sa sakit ng tiyan,

umawag ang kanyang nanay sa 911.

Ilang saglit matapos dumating ang paramedics, ligtas na nailuwal ni Tayvia ang isang bouncing baby boy.

Ang ibinigay niyang pangalan sa kanyang anak ay Tamaar Kylon Corral Woodfork, na isinunod sa pangalan ng resto dahil doon siya nanganak.

Niregaluhan ng restaurant ang anak ni Tayvia ng baby essentials at isang Golden Corral gift card.

Ang naranasan ni Tayvia ay tinatawag na cryptic pregnancy.

Bagamat di pangkaraniwan ang cryptic pregnancy, may mga pagkakataong nangyayari talaga ito.

Ang cryptic pregnancy ay tinatawag ding unperceived pregnancy, pregnancy denial, or stealth pregnancy.

Ito rin ang nangyari sa kaso ni Pia Rapusas sa Pilipinas noong May 2020.

Nalaman ni Pia na buntis pala siya sa araw ng kanyang panganganak.