DAGUPAN CITY–Patay ang isang babae matapos bumangga ang minamaneho nitong sasakyan sa barrier at poste sa national highway ng barangay Poblacion,sa bayan ng Bugallon, Pangasinan.

Basag ang windshield at yupi ang kaliwang bahagi ng kotse.

Nagkalat din sa lugar ang pira pirasong bahagi ng sasakyan.

--Ads--

Ayon sa ulat, patay ang driber na nag iisang sakay ng kotse.

Nagtamo ito ng matinding sugat sa ulo na sanhi ng agarang kamatayan.

Nagrerenta lamang umano ng bahay ang biktima sa bayan ng Bugallon.

Lasing umano ang babae at mabilis na nagpatakbo sa kanyang sasakyan.

Galing umano siya sa isang restaurant sa bayan ng Lingayen kung saan nakasama pa ang kanyang mga kaibigan bago mangyari ang aksidente.

Inuwi na ang bangkay nito sa kanilang bahay sa bayan ng Manaoag.