Mga kabombo! Kamailan ay nag-viral isang babaeng tinawag na “Woman in Pink”!

Ayon sa ulat, ito’y naging usap-usapan matapos na tumayo ang babae sa isang parking slot upang ma-secure ang parking para sa kanyang pamilya sa isang sementeryo sa Las Piñas.

Umani ang babae ng samo’t saring komento, gaya na lamang ng hindi naman daw ito sasakyan kung kaya’t wala siyang karapatang iparking ang kaniyang sarili.

--Ads--

Depensa naman nito, ginawa niya ito para sa kaligtasan ng kanyang mga magulang at isang batang kasama.

Sa kanyang pahayag, ipinaliwanag ng babae na ang kanyang aksyon ay hindi para magdulot ng abala kundi para tiyaking may ligtas na puwesto ang kanilang sasakyan. Nagpaabot din siya ng paumanhin sa may-ari ng SUV na kasama sa video, at sinabi niyang nagkasundo na sila.

Ngayon, humihiling ang “woman in pink” sa publiko na itigil ang patuloy na pag-upload ng video upang mabigyan ng respeto at privacy ang kanyang pamilya. Ang insidenteng ito ay nagpapakita ng hindi sinasadyang epekto ng mga viral na video sa social media.