Mga kabombo! Ano na lamang ang magiging reaksyon mo, kung malaman mong naikasal ka na pala sa hindi mo kakilala kahit pa wala kang pinipirmahang dokumento?
Ito kasi ang nangyari sa babaeng kumukuha ng Cenomar o ang Certificate of No Marriage sa Bacolod na si Evelyn Ruelan.
Ayon sa ulat, kasal na si Evelyn sa isang lalaking hindi niya kilala sa loob ng isang taon.
Base sa salaysay ni Evelyn, ang kaniyang “asawa” ay isang Indian national sa Valenzuela City noong nakaraang taon.
Lalo pang naging misteryoso ang sitwasyon nang makita niyang tama ang mga detalye sa sertipiko—mula sa kanyang buong pangalan hanggang sa pangalan ng kanyang mga magulang.
Ngunit mariing iginiit ni Evelyn na hindi siya ang pumirma sa dokumento, dahilan para maghinala siya na nagamit ang kanyang identidad sa pandaraya.
Dagdag pa ni Evelyn, ni minsan ay hindi pa siya nakarating sa Valenzuela City, kung saan umano naganap ang kasal.
Ngayon, nananawagan si Evelyn ng masusing imbestigasyon upang malinawan ang insidente at maalis ang kanyang pangalan sa kahina-hinalang kasal.
Bukod sa pagkasira ng kanyang mga plano sa kasal, binigyang-diin ni Evelyn na dapat itong maging babala tungkol sa seryosong isyu ng *identity theft* at kakulangan sa mga proseso ng gobyerno.
Sa kasalukuyan, hinihintay pa rin ni Evelyn ang tugon ng mga kinauukulang ahensya at lokal na awtoridad sa kanyang panawagan.