DAGUPAN CITY- Mabilis ang ginawang pagresponde ng awtoridad sa bansang Japan, kaya’t walang naitalang mga nasaktan sa mga nangyaring pagyanig.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent mula sa bansang Japan, walang naitalang nasaktan o nasawi mula sa nangyaring sunod-sunod na pagyanig sa mga remote islands sa nasabing bansa.
Aniya, magkakalapit ang mga nasabing isla at kilala sa pagiging active volcanic zones, dahilan upang maging mas madalas ang mga pagyanig sa lugar.
Dagdag pa niya, kumpara sa ibang bansa, mas mataas ang kahandaan ng Japan pagdating sa ganitong mga kalamidad.
Patuloy namang nagbibigay ng mga babala at paalala ng mga lokal na opisyal upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan.
Sa ngayon ay mahigpit na binabantayan ng mga eksperto ang mga aktibong bulkan sa rehiyon habang nagpapatuloy ang evacuation at monitoring operations sa mga apektadong lugar.