Umaasa ang transport sector na matutulongan ng susunod na administrasyon ang kanilang hanay sa gitna ng sunud sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Bernard Tuliao, presidente ng Alliance United Transport Organization Provincewide O AUTOPRO Pangasinan sa ekslusibong panayam ng bombo Radyo Dagupan, nasanay na ang mga tao sa sistema na taas baba na presyo ng produktong petrolyo.

Ngayong araw ay muling magpapatupad ang mga oil companies ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang produkto.

--Ads--

Sinabi ni Tuliao na kapag ito y nangyayari ay madalas kinakausap na lang nila ang kanilang hanay na magtiiis lang muna dahil umaasa sila na sa ilalim ng Marcos administration ay matutugunan ang kanilang problema.

Aniya, ang hinihiling nila kay pres. elect Ferdinand Bong Bong Marcos Jr., ay mapabilis ang pagkakaloob na fuel subsidy sa mga jeepney drivers.