Pabor ang Alliance of United Transport Organization Provincewide o AUTOPRO Pangasinan sa pagsusuot ng face shield sa pampublikong sasakyan na obligado nang magsisimula sa August 15.

Ayon kay Benard Tuliao, presidente ng AUTOPRO Pangasinan, malaking bagay ang pagsuuot ng face shield bukod sa face mask upang maiwasan ang paglobo-ng covid-19 sa bansa.

Sinabi ni Tuliao na hanggat maari ay ayaw na nilang maulit pa sa lalawigan na i-lock down muli gaya ng nangyari sa San Fernando La Union at Metro Manila na ibinalik sa MECQ.

--Ads--

Nakatakdang ipatupad ang pagsusuot ng face shield sa lahat ng commuters lulan ng pampublikong transportasyon simula sa susunod na linggo, August 15, 2020.

Sa memorandum noong August 3, inatasan ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Administrative Service Artemio Tuazon Jr. ang lahat ng transportation sectors na ipatupad ang naturang polisiya.