Pabor ang Alliance United Transport Organization Provincewide (AUTOPRO) Pangasinan sa pagsasailalim sa random drug testing sa mga drivers .
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bernard Tuliao, President, Alliance United Transport Organization Provincewide (AUTOPRO) Pangasinan, sinabi nito na pabor sila sa nasabing hakbang subalit, ang ikinababahala niya ay magkaroon ng lagayan sa mga drug testing center at makaiwas ang mga drayber na gumagamit ng illegal na gamot.
Kaya naman hiniling niya dapat bantayan itong maigi nang maiwasan ang lagayan sa drug test dahil maaring may mga makalusot na talagang gumagamit ng illegal na droga.
Matatandaan na ipinag utos kamakailan ni Transportation Sec. Vince Dizon ang mandatory drug test sa lahat ng mga driver ng mga pampublikong sasakyan bilang tugon sa sunud-sunod na aksidente sa kalsada na ikinasawi ng ilang mga katao.