Dagupan City – Nanawagan ang AUTOPRO Pangasinan sa pamahalaan na kung maaari ay dagdagan pa ang scheme term of payment sa Public Transport Modernization Program.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bernard Tuliao, Presidente ng AUTOPRO Pangasinan, ito’y dahil ang pahayag ng senado na pansamantalang itigil ang modernisasyon sa pampublikong sasakyan ay hindi naman pangmatagala ay bagkus pansamantala lamang.
Ayon kay Tuliao, hindi naman sila tutol sa modernisasyon, ngunit malaking tapyas ito sa kanilang kita.
Sa ilalim kasi ng panukalang PUV Modernization Porgram ay napilitan ang mga operators na sumailalim sa mga kooperatiba at magpa-consolidate para lamang hindi mawalan ng kabuhayan.
Nagbigay panawagan naman ito sa Department of Transportation na pag-aralan sanang mabuti kung ano ba dapat ang i-improve sa programa para hindi rin nagkakagulo ang mga operators.
Noong nagdaang mga buwan kasi, nagbigay ang pamahalaan ng deadline, Abril 30, 2024, na hindi na makapapasada pa ang mga hindi nakapagpa-consolidate ngunit bakit matapos ibigay ang deadline ay bigla na lamang binigyan ng ruta ang mga ito.
Isa naman aniya sa nakikita nitong suliranin pagdating sa actual ay hindi nagiging pare-parehas ang patakaran ng mga kooperatiba, gaya na lamang ng boundary system at sa swelduhan.