DAGUPAN CITY- Tuloy-tuloy pa rin ang Comission on Elections San Fabuan sa kanilang Automated Counting Machine Roadshow sa lahat ng barangay sa loob ng kanilang nasasakupan.
Ayon kay Eva Quinto, Election Officer ng COMELEC San Fabian, ang isinasagawang aktibidad ay may layuning maipakita sa publiko ang paraan kung paano magagamit ang nasabing machine.
Aniya, dati, dalawang makina lang ang ginagamit para sa buong rehiyon, ngunit ngayong taon, magkakaroon na ng 102 na ACMs para sa 101 lokal na pamahalaan at sa mga regional office ng komisyon.
Sa bagong ACM, makikita ng botante ang mukha ng balota sa screen.
Magkakaroon din sila ng pagkakataon na kunin muli ang kanilang balota kung nais nilang baguhin ang kanilang mga napili at magdagdag ng iba pang mga kandidato kung nakalimutan nilang ilista ang tamang bilang ng mga kandidato.
Dagdag niya, ang sistemang ito ay magbibigay daan upang mas mapadali ang proseso ng pagboto, at mapabuti ang karanasan ng mga botante sa paggamit ng teknolohiya sa halalan.
Tinitiyak ng bagong makina na mas mabilis at mas tumpak ang pagproseso ng mga boto, kaya’t mas tiyak ang resulta ng eleksyon.
Samantala, inaasahan na magiging mas maayos at organisado ang mga susunod na halalan.