DAGUPAN CITY- Tampok ang mga bagong Automated Counting Machines (ACM) para sa 2025 Midterms Elections sa dinaluhan ng mga Commission on Election (COMELEC) officers na kauna-unahang nationwide convention.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Roberto Pagdanganan, Election Officer III ng COMELEC Alcala, ito umano ang produkto ng Miru Systems sa South Korea kung saan mayroon na umano itong built-in battery na tumatagal ng 48 hours.
Aniya, mas malaki ang monitor nito kumpara sa mga nakaraang Precinct count optical scan (PCOS) Machine na maliit lamang.
Awtomatiko rin nitong pinuputol ang mga resibo na may QR code upang makita ang mga isinumiteng boto.
Sinabi pa ni Pagdanganan na isa itong PWD-friendly at mas mabilis ang sistema nito partikular na sa pag-scan.
Maliban pa riyan, sa transmission naman ay mayroong 6 data servers na siyang pupuntahan ng mga isinumiteng boto.
Sa tingin naman ni Pagdanganan na mas mapapabilis ang proseso nito sa susunod na halalan, dahil na rin sa mas pinaganda at upgraded na sistema.
Maliban naman sa ACM, tinalakay din nila sa convention ang pagkuha ng Department of Education Supervising Official (Deso).
Binigyan halaga ang pagkuha sa mga punong-guro bilang mga opisyal dahil sa mas madaling koordinasyon, lalo na para sa mga pagsasanay.
Samantala, mula Disyembre ay araw-araw nilang bibisitahin ang mga paggaganapan ng halalan para sa road show o voter’s demo ng ACM machine.
Sa bawat barangay ay maglalaan sila ng 35 ACM samples upang ipakita ang bagong pamamaraan ng pagboto.