Naglabas ng isang awitin ang ilang K-pop stars na pinangunahan ng boy band na Astro, bilang pag-alala kay Moonbin sa ikalawang anibersaryo ng kanyang pagkamatay.

Si Moonbin ay miyembro rin ng Astro, at sumakabilang buhay sa Seoul noong Abril 19, 2023 sa edad na 25.

Makalipas ang dalawang taon, inilabas ng kanyang mga ka-bandang sina MJ, Jinjin, Cha Eunwoo, at Sanha, kasama ang mga kaibigan sa industriya, ang tribute song na “Moon.”

--Ads--

Tampok din sa kanta sina dating Astro member Rocky at ang nakababatang kapatid ni Moonbin na si Moon Sua ng girl group na Billlie.

Nagsimula si Moonbin bilang child model at aktor bago siya nag-debut kasama ang Astro noong 2016.

Noong 2020, naging bahagi rin siya ng sub-unit na Moonbin & Sanha.

Samantala, naghahanda ang Astro para sa concert kasama ang dating miyembrong si Rocky, ngunit wala pang petsang inanunsyo.