Gagamitin pa rin ng lungsod ng Dagupan ang bakunang mula sa Oxford-Astrazeneca ng United Kingdom kontra COVID-19.
Sa bahagi ng pahayag ni Mayor Marc Brian Lim, ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng National Gov’t sa pamamagitan ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA).
Aniya, ito ay dahil wala pa rin namang katiyakan ang mga datos na nag-uulat hinggil sa blood clotting issues ng Astrazeneca vaccine.
Matatandaang mas dumami pa ang mga bansang tumigil muna sa paggamit ng AstraZeneca.
Ito ay kahit na ipinaggigiitan ng World Health Organization (WHO) na ligtas ang nasabing bakuna at walang ebidensiya na nagkakaroon ng blood clot ang mga naturukan nito.
Ilan sa mga bansang pinakahuling tumigil sa paggamit ng bakuna ay ang Germany, France, Italy at Spain.