Planong i-phase out na ng Australia ang Astrazeneca vaccines sa buwan ng Oktubre.
Ayon kay Bombo International correspondent Denmark Suede mula sa Sydney, Australia, ito ang napagkasunduan sa cabinet meeting ng federal government at ng state primier at chief minister ng mga territories ng bansa.
Aniya mas pinaboran nila ang Pfizer at Moderna vaccine at ang gagawin ng pamahalaan ay idodonate sa karatig bansa ang 20 million na astrazeneca.
May dalawang dahilan na binanggit ni Suede kung bakit nagdisisyon ang pamahaaan na iphaseout ang astrazeneca dahil sa natakot nang magpabakuna ng astrazeneca ang kanilang mamamayan doon kasunod ng 64 blood clot incident at dalawang patay.
Pangalawa ay ang pagpasok ng mga karagdagang order ng Australia na 25 million doses na moderna.
Sa ngayon ay napakarami pa umano silang supply ng astrazeneca na ngayon ay medyo nilalangaw dahil sa takot na gamitin ito ng mga mamamayan doon.