Dagupan City – Iginawad ang Association of Tourism Officer of the Philippines 1st runner up sa lungsod ng Alaminos kaugnay sa DOT Pearl Awards 2024.

Ito’y matapos na kinilala ang lungsod ng Best Practices for Sustainable Tourism sa ilalim ng Independent and Component Cities Category at programang scubasurero na naging entry ng syudad ngayong taon.

Pinangunahan naman ni City Tourism Officer Miguel Sison ang pagtanggap ng prestihiyosong parangal.

--Ads--

Ang scubasurero program ay sumesentro sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga dagat at dalampasigan na isinasagawa sa papamgitan ng araw-araw na under water coastal clean-up drive ng iba’t ibang volunteers at organisasyayon. (Aira Chicano)