BOMBO DAGUPAN – Nagsagawa ng Nationwide Tree Planting Activity ang Association of Regional Executives dito sa Rehiyon 1 sa bayan ng Mangatarem kung saan nilahukan ito ng nasa humigit kumulang isang libong indibidwal mula sa mga ahensya ng Gobyerno na kabilang sa Association of Regional Executives gaya ng Civil Service Commision, Philippine Regulation Commision, Mines and Geo Sciences Bureau, Commision on Higher Education, Department of Education, Philippine Drug Enforcement Agency, BFAR, National Tobacco Administration at iba pa.

Pinangunahan naman ito ng Department of Environment and Natural Resources Region 1 sa pakikiisa sa pagdiriwang ng Philippine Arbor Day at World Environment Month.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Crizaldy M. Barcelo ang President of Association of Regional Executives at Regional Director ng Department of Environment and Natural Resources Region 1 na mayroong 2 libong mga seedlings ang itinanim na species ng Acacia Mangium dahil ito ay mabilis lumaki na puno sa kabundukan.

--Ads--

Nasa 10 ektarya naman aniya ang naibigay sa kanila upang matamnan ng mga puno kung saan 2 ektarya muna ang natamnan.

Tuloy-tuloy naman ang aktibidad na ito hanggang matamnam ang kabuuang ektaryang naipagkaloob sa kanila.

Dagdag pa niya na sa buwan naman ng Setyembre ay muli silang magsasagawa ng tree planting activity bilang bahagi naman ng selebrasyon ng Civil Service Month.

Kaugnay nito, ayon kay Dr. Chester O. Casil President, Society of Filipino Forester Incorporated Ilocos Region na ang Arbor ay mula sa salitang latin na ibig sabihin ay Tree kung saan ngayong araw ay Tree Day na nangangahulugan na dapat magtanim ng mga puno para sa ating kalikasan dahil ito ay back up ng RA 10176.

Aniya na ang itinanim ngayon na mga species ng mangium ay nakakatulong sa Soil Erosion.

Ibinahagi din nito ang programa nila na Carbon Neutral Program katuwang ang Philippine Regulation Commision na bawat tao ay kailangan magtanim ng puno upang mabawasan ang Carbon Dioxide sa ating paligid na naproproduce ng bawat tao