DAGUPAN, City – Sisiguraduhin na kakayanin ng mga hanay ng mga grupo ng mga public utility jeepney drivers sa bansa ang “Pinoy Version” ng modern jeep na papasada sa mga kakalsadahan kasunod ng napipintong pag-iimplementa ng jeepney modernization.
Ayon kay Juancho Caparino, chairman of the Association of Committed Transport Organizations Nationwide, dahil mas mura ang bersyon ng disenyo ng modern jeep dito sa ating bansa, nakita umano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB at Department of Transportation (DOTr) na mas makakaya ito ng mga drivers at mga operator ang presyo nito upang sumabay sa plano ng modernisasyon.
Aniya, kumpara sa 2.3-2.6 Million pesos na halaga ng mga modernized jeep na mula pa sa bansang China na bibilhin ng mga ito, higit na mas mura ang bersyon nito sa bansa na nagkakahalaga lamang ng 1.3 Million pesos.
Sa isinagawang pagpupulong kasi ng mga LTFRB, DOTR, grupo ng mga jeepney drivers, sa senado sa panunguna ni Sen. Grace Poe ay inilatag ng nila Caparino ang disenyo at ilan pang detalye sa kanilang bersyon ng modernize jeepney.
Nalaman dito na kaya ng naturang bersyon na makasunod sa roadworthyness, modernization, at pagtalima sa environment safetyness na layunin ng isinulong na batas para sa jeepney modernization.
Sa naturang bersyon, maaring makapagsakay ng nasa 30 pasahero at kumpara sa traditional jeepney mas episyente at hindi na mahihirapan ang mga pasahero na sumakay sa loob nito.
Dagdag pa rito, maituturing nilang magandang senyales ang pakikinig ngayon ng kasalukuyang administrasyon sa kanilang hinaing at pagiging bukas ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz sa kanilang proposal lalo na at maganda rin at mas mura ito kumpara sa una nang isinusulong na modern jeep mula sa China.