Pahirapan ngayon para sa mga miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Pampanga ang pagsasagawa ng assessment at rescue operation matapos ang epekto ng 6.1 magnitude na lindol na yumanig sa ilang bahagi ng Luzon kaninang hapon lamang.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan mula sa phone operator ng PDRRMO Pampanga na si Joselito Regala, nakakaranas ngayon ng malawakang power interruption sa buong probinsya kasunod ng lindol.
Hindi pa aniya nila makumpirma kung totoong may mga nagbitakbitak na kaldasa dahil sa lindol na kumakalat ngayon sa social media.
Dagdag pa nito na sa ngayon ay may isinasagawang Rescue operation sa pangunguna ni PDRRMO Pampanga Head Angie Blanco partikular na sa Porac, Pampanga dahil sa pinasalang tinamo ng isang supermarket doon habang may nadispatch naring team sa bahagi ng Clark.