Madalas, unang nililikas ng mga tao tuwing may malakas na bagyo bukod sa kanilang mga sarili ay mga kagamitan sa bahay at ang mga alagang hayop .

Pero hindi ganoon ang naging sitwasyon para sa isang aso sa Florida, USA.

Noong tumama ang Hurricane Milton sa Florida, sa Amerika kamakailan na umabot ng Category 5 sa loob ng mahigit 48 hours at nagdulot dito ng malaking pinsala katulad ng pagkawala ng kuryente sa milyong kabahayan.

--Ads--

Sa video ng isang highway patrol officer, makikita ang isang aso na nag-iisa at nakalubog na ang mga binti sa baha.

Hindi naman magawang makaalis ng aso dahil nakatali pala ito sa bakod.

Mahahalata rin na hindi ito mapakali dahil pagalaw-galaw ito sa kanyang pwesto.

Maririnig sa video na tinahulan ng aso ang officer na inaalo pa siya habang papalapit sa kanya.

Umabot ng 15 minuto bago nailigtas ang aso at isinakay sa kanilang patrol car.