Pumanaw na ang Gilas Pilipinas Girls standout at National University Lady Bullpup na si Ashlyn Abong.
Dahil dito, nagluluksa ang mundo ng lokal na sports, partikular ang mga kabataang atleta dahil si Ashlyn ay isang kilalang manlalaro, kaibigan, kakampi, at inspirasyon sa larangan ng palakasan.
Si Ashlyn, na kilala ng marami bilang “Ash” jersey #21 ay kinilala sa kaniyang pagiging tahimik ngunit matatag na presensya sa kanyang koponan.
--Ads--
Ipinanganak ito noong Setyembre 21, 2006 at tuluyan namang namaalam nito lamang Hunyo 27, 2025
Ayon sa kaniyang mga miyembro, hindi matatawaran ang iniwang alaala ni Ashlyn sa kanyang mga kaibigan at kakampi.