Nakatanggap na ng ayuda ang bayan ng Rosario sa La Union para sa mga unang nagkaroon ng kaso ng African Swine Fever noong Pebrero.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Allen Mae Doctolero, Veterinarian III, Regulatory Division DA Region 1 ongoing na ang pagkolekta ng mga papeles at mga dokumentong kinakailangan para sa pagclaim ng nasabing ayuda.
Aniya maging sa ngayon ay mahigpit parin ang pagbabantay sa mga border municipality lalo na sa lalawigan ng Pangasinan dahil madami itong entry points.
Lalo na sa papasok at lalabas na mga karne ng baboy kaya’t may executive order ang bawat probinsiya na nagbabawal na magpasok ng mga infected na baboy.
Bagamat kapag nakatay na at naging karne na ito ay halos wala ng makitang senyales kaya’t dapat may mag inspeksiyon sa mga entry points at mga local slaughter house.
Samantala, nagsimula na ang asf vaccine rollout sa ilang mga farms sa batangas at hinihintay na lamang ang resulta patungkol dito bago maendorso sa mga munisipyong apektado.
Libre naman itong ibinibigay at may kaukulang requirements lamang na kailangan.
Payo naman ni Doctolero sa publiko na paigtingin ang bio security sa mga farms at huwag basta-basta magpapasok ng ibang tao.