DAGUPAN CITY- Inilunsad sa isang mall sa lungsod ng Dagupan ang “Art For Everyone,” isang libreng art exhibit at market na naglalayong itaguyod ang lokal na sining at hikayatin ang kabataan na pahalagahan ito.

Ayon kay Mall Manager Eileen V. Delos Santos, tampok dito ang mga likha ng mahigit 30 visual artists mula Pangasinan at La Union, na bukas para sa publiko sa loob ng dalawang linggo.

Libre rin ang espasyo para sa mga artist bilang suporta sa kanilang talento.

--Ads--

Kabilang sa mga lumahok si Gino Tioseco ng Pangasinan Art Community, na nagsabing mahalaga ang ganitong plataporma para maipahayag ng mga alagad ng sining ang kanilang saloobin.

Inaasahang magiging taunang programa ito tuwing Hulyo, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Arts Month.‎