Dagupan City – Nagkaroon ng insidente ng pananaksak kamakailan sa Brgy. Poblacion Zone 1, sa bayan ng San Quintin.
Gabi ng mangyari ang pananaksak ng isang 28-anyos na lasing na lalaki habang nasa isang inuman.
Biktima dito ang isang 50-anyos na lalaki na naiwang sugatan.
Ayon sa imbestigasyon, nagsimula ang insidente matapos matalo ang suspek sa isang arm wrestling match sa gitna ng kanilang inuman.
Naging agresibo umano ito at nang sinubukang pakalmahin ito ng biktima, ay sinaksak siya ng isang beses sa ibabang bahagi ng kanyang likod.
Agad na dinala ang biktima sa ospital para sa lunas, at ganun na rin ang suspek upang gamutin at pagkatapos ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa karampatang imbestigasyon.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang 24 cm na Rambo knife na ginamit sa krimen.