Nasabat ng mga awtoridad ang halos 2 milyong pisong halaga ng shabu at marijuana sa isinagawang operasyon ng kapulisan ng Dagupan City kasama ang koordinasyon ng PDEA RO1.
Ang operasyon ay isinagawa sa Barangay Pantal sa nasabing syudad.
Matapos ang masusing imbestigasyon patungkol sa ilegal na gawain ng isang suspek na isa pang guro, nagresulta ito sa kanyang pagkaka-aresto.
Sa operasyon, narekober mula sa pag-aari ng suspek ang iba’t ibang uri ng shabu at marijuana. Kasama dito ang kabuang 187.02 na gramo ng shabu na may kabuuang SDP na P1,271,736 at 2.90 na gramo ng marijuana na may SDP na P348.
Kasama ang iba pang mga nakumpiska o mga paraphernalia na narekober, tinatayang nasa halos P2M ang halaga ng mga ito.
Sa nangyaring insidente, patunay ito na nagpapatuloy ang pagsugpo sa mga ilegal na kalakalan ng droga at paglilinis sa komunidad mula sa mga kriminal na gumagawa ng ilegal na aktibidad.
Hinihikayat ang mga residente na magpatuloy sa pagbibigay ng impormasyon upang matulungan ang mga awtoridad sa kanilang kampanya laban sa kriminalidad at ilegal na droga.