DAGUPAN CITY- Bagamat malamig ang panahon ay tila isang normal na araw lamang para sa mga Koreans ang Araw ng mga Puso.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jeffrey Padua, Bombo International News Correspondent sa South Korea, malimig ang panahon sa South Korea tuwing dumarating ang Araw ng mga Puso dahil sa nararanasang snow.
Aniya, may ilang mga establisyementong naglalagay ng dekorasyon upang makiisa sa nasabing pagdiriwang, ngunit hindi ganoon ka-sigla kumpara sa ibang mga bansa.
--Ads--
Mayroon ding kakaibang gawi ang mga tao sa nasabing bansa, kung saan babae ang nagbibigay ng regalong tsokolate sa lalaki taliwas sa nakagawian.
Dagdag niya, hindi expressive ang mga lalaki sa kanilang mga damdamin kaya’t sila ang nabibigyan ng regalo.