Inulan man ang buong umaga ng Burk County, sa North Carolina, ngunit dumating pa rin ang mga botante sa mga polling precincts.
Ayon sa isang polling director sa lugar, mas tumindi ang lagay ng trapiko ngayon araw.
Gayunpaman, hindi pa umano gaano karami ang bilang ng mga botanteng bumoto sa loob ng 6 na oras nilang pagbubukas.
--Ads--
Karamihan na rin sa kanilang mga residente ay bumoto na noong early voting.
Samantala, gumamit naman sila ng mga tent upang gamitin bilang polling location matapos masira ang ilan sa mga ito.