BOMBO DAGUPAN- Nanatili man ang approval rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa second quarter ng 2024, bumaba naman ng 20 percentage points si Vice President Sara Duterte kumpara sa nakalipas na 2 taon.

Ayon sa pinakahuling surbey noong June 15-19, ang dating 53% na approval rating ni Duterte noong first quarter ay bumaba sa 46% sa second quarter.

Bumaba din ng 5 points ang trust rating nito kung sa 41% na lamang ang dating 46%. Partikular nang bumaba ang approval rating nito sa Northern Central Luzon kung saan ang dating 47% ay nasa 38% na.

--Ads--

Gayundin umano sa Mindanao, bumaba sa 68% ang dating 75% na approval rating ni Duterte, at bumaba naman sa 65% ang dating 67% trust rating nito.

Labis na nakaapekto umano sa performance ni VP Sara ang kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo “ROA” Duterte at ang pagkakaupo nito bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Samantala, lumabas naman sa surbey na 6 sa 10 Pilipino ang naniniwalang hindi dapat bumaba si VP Sara Duterte bilang DepEd Secretary.