Mga kabombo! Anong gagawin mo kung hindi baril ang gamit ng mang-hohold-up sa’yo, kundi python?
Ngunit, hindi ito sa marahas na pamamaraan dahil ang dalawang python na ginamit ng apat na suspek sa isang cashier sa Madison County, sa Tennessee ay para maging distraction.
Ayon sa mga kapulisan, ito ang naisip na pamamaraan ng mga suspek upang magawang nakawin ang halagang $400 na CBD oil sa isang gasolinahan.
Sa CCTV footage ay makikita ang cashier na nakikipag usap sa dalawang suspek.
Hawak-hawak ng isang lalaki ang isang python, habang pine-pet naman ito ng kaniyang kasamahan na babae.
Kalaunan ay nilapag ito ng lalaki sa counter habang may kinakausap na ibang tao ang kasama nitong babae.
At tsaka na nito nilabas ang isa pang python. Habang ipinapakita nila ito sa cashier ay kanila na palang ninananakaw ang naturang produkto.