Nasawi ang apat na sundalong Israeli sa isang base ng hukbo ng Israel sa timog ng Haifa noong Linggo ng gabi matapos ang pag-atake ng Hezbollah.

Isa ito sa mga pinakanakamamatay na pag-atake laban sa Israel ng Hezbollah sa mahigit isang taon ng pakikipaglaban.

Sinabi ng health ministry ng Lebanon na nasa 51 katao ang napatay ng mga pag-atake ng Israel sa buong bansa noong Linggo

--Ads--

Sa Gaza, sinabi naman ng mga awtoridad na pinamamahalaan ng Hamas na ang pag-atake ng Israel sa isang paaralan na ginamit bilang kanilang silungan ay pumatay ng 22 katao kabilang ang 15 bata.