Kasalukuyan ng nakakulong ang apat na kalalakihang nambugbog sa isang traffic enforcer na nagmando sa kanila sa syudad ng Dagupan.


Ayon sa panayam sa Hepe Public Order and Safety Office (POSO) ng lungsod na si Arvin Decano, pinagsabihan lamang daw ng traffic enforcer ang isang lalaki gawa ng tumawid ito kahit wala pang go signal sa pedestrian lane ng Arellano Street ngunit pinagbantaan umano ng lalaki na babalikan niya ang naturang enforcer.


Sa kanilang nakita sa CCTV sa naturang lugar, pagbalik ng lalaki ay isa isa nitong tinawag ang kaniyang mga kasamahan at pinagkaisahan ang naturang enforcer.

--Ads--


Dagdag pa ni Decano na lasing daw ang lalaki kung kaya’t wala ito sa sariling katinuan at mas nanaig ang galit dahil sa paninita sa kaniya.

TINIG NI POSO CHIEF ARVIN DECANO


Samantala nagtamo naman ng ilang sugat ang biktima kung saan nabasag umano ang labi nito at nagkaroon ng bukol sa likod ng kaniyang ulo gawa ng pagpukpok sa kaniya ng mga suspek gamit mismo ang dala nitong radio monitor.
Hindi raw nakapasok ang biktima kinabukasan dahil sa sakit ng katawan.


Ayon pa kay Decano, ito ang unang beses na nakapagtala sila ng ganitong insidente sa naturang lugar.


Paalala naman nito sa mga residente ng Dagupan, iwasan ang pag-init ng ulo dahil tulad ng nangyari ay baka mauwi lamang ito sa isang kapahamakan dahil hindi naman aniya sila basta bastang kumukuha ng mga traffic enforcer ng hindi dumadaan sa pagsasanay kaya’t marapat lang din lamang na respetuhin ang mga ito.