Dagupan City – ‎Tumanggap ng Php 12 milyon na halaga ng makinarya mula sa Department of Agriculture (DA) ang apat na farmers’ association sa Mangaldan. Ang mga makinarya ay ipinamahagi sa seremonya noong Agosto 28 sa DA-Pangasinan Research and Experiment Center (PREC).

Kasama sa mga natanggap na kagamitan ang four-wheel tractor at rice combine harvester, na makikinabang ang mga asosasyong Inlambo, Malabago, Maasin-Malabago, at Masanting Ya Dumaralos.

Layunin ng programang ito na mapabuti ang produksyon ng mga magsasaka sa Ilocos Region.

Pinayuhan ng DA ang mga benepisyaryo na ingatan ang mga makinarya para sa pangmatagalang paggamit.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga national agencies upang magbigay ng karagdagang tulong sa sektor ng agrikultura.

--Ads--