Sumiklab ang sunog sa Sitio Plastikan, Barangay Duljo sa lungsod ng Cebu noong Sabado ng gabi, Pebrero 14, 2026, kung saan apat na kabahayan ang tinupok at nilamon ng apoy.

Batay sa inisyal na ulat alas-7:57 ng gabi, dalawang bahay ang tuluyang nawasak habang isa ang bahagyang nasira at isa pa ang nagtamo ng kaunting pinsala.

Dahil sa insidente, apat na pamilya na binubuo ng 16 na indibidwal ang nawalan ng tirahan, kabilang ang siyam na matatanda, isang kabataan, anim na bata, at dalawang sanggol na lalaki.

--Ads--

Agad namang kumilos ang Pamahalaang Lungsod ng Cebu upang makausap ang mga biktima at mabigyan sila ng emergency relief goods.

Bukod sa tulong na pagkain, irerekomenda rin ang mga nasabing pamilya upang makatanggap ng pinansyal na ayuda mula sa Relief and Recovery Fund ng lungsod.