Nagsagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Alaminos na apat na araw ng Face-to-Face Career Service Examination Review kaugnay sa nalalapit na Civil Service Examination (CSE) sa darating a buwan ng Agosto.
Ang pagrerebyu ay pinangunahan ng Alaminos City Sangguniang Kabataan Federation bilang bahagi ng kanilang adhikain na suportahan ang mga kabataang nagnanais makapasa sa Civil Service Examination.
Ang apat na araw na review ay idinisenyo upang subukin at palakasin ang kakayahan ng mga kabataan sa mga sumusunod na aspeto sa verbal at analytical ability, Numerical ability, at General Information.
--Ads--
Ang programa ay naglalayong ihanda ang mga kabataan para sa nalalapit na pagsusulit at pagbutihin ang kanilang mga kakayahan para sa kinabukasan.