BOMBO DAGUPAN- Trauma ang naiwan mula sa mga Anti-Tax protesters sa Kenya matapos ang ilang pagdukot sa mga ito bilang parte ng crackdown noong nakaraang linggo.

Batay sa doctor’s association, hindi naman bababa sa 23 protesters ang napaslang mula sa karahasan.

Ayon sa Law Society of Kenya, karamihan sa mgaa dinukot ay pinalay na subalit mayroon pa umanong 10 aktibista ang nananatiling nawawala.

--Ads--

Sinabi umano ng mga ibang dinukot na kinuha ang kanilang mga cellphone at laptop at nakaranas ng kasukla-suklam na pangyayari sa loob ng madilim na silid.

Samantala, nasa tinatanyang 35 katao ang hinihinalang pinangunahan ang demonstrasyon kontra finance bill.