DAGUPAN, City- Pinangunahan ni Secretary Ernesto V. Perez, director general ng Anti Red Tape Authority ang naganap na roadshow sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Perez, adhikain ng naturang aktibidad na mapabuti at maisaayos ang implementasyon ng Republic act 11032 o ang ease of doing business and efficient government service delivery act of 2018 sa pamamagitan ng rollout ng mga programang sumusupuporta sa direktiba ni pangulong ferdinand marcos jr.

Aniya, hindi rin maipagkakaila na maraming kinakaharap na problema ang bansa pagdating sa proseso ng pakikipagtransaksyon sa mga opisina at ahensya ng gobyerno, maging ang mga katiwalian, at hindi magandang serbisyo na siyang tinatawag na red tape at ito ay ilan lamang sa mga nais sugpuin ng naturang ahensiya.

--Ads--

Kabilang sa layunin ng aktibidad na ito ay ang makapagbahagi ng kaalaman o impormasyon sa publiko na ang kagaya nitong sitwasyon ay pinoprotektahan ng RA 11032 o ang ease of doing business and efficient government service delivery act of 2018 na pinirmahan at naging epektibo noong 2018 at pangunahing isinusulong ng kanilang hanay ang republic act no. 9485 anti red tape act of 2007 upang isulong ang transparency sa gobyerno patungkol sa paraan ng pakikipagtransaksyon sa publiko sa pamamagitan ng pag-aatas sa bawat ahensya na pasimplehin ang mga pamamaraan ng serbisyo.

Layunin ng batas na ito na mapabuti at maiayos ang sistema ng transaksyon sa mga ahensya o ahensya ng gobyerno at pinaniniwalaang makakatulong sa pag-unlad ng iba’t-ibang aspeto na kinakailangan sa paglago ng ating bansa.