Dagupan City – Kinakailangan na pag-aralan muli ang anti-rape law.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Dominic Francis Abril, Legal / Political consultant, huling napag-aralan kasi ito ay noon pang 1997.

Kung kaya’t malaking dagok ngayon ito sa bawa’t indibidwal dahil marami na rin ang napapaulat na ginagamit lamang ang kasal para makuha ang tawag ng laman.

--Ads--

Aniya, isa naman sa mga sanhi kung bakit ganito na lamang ang pangyayari ang ang nangyari noong sinaunang panahon kung saan ay tinatrato ang mga kababihan na parang mga ari-arian.

Kung kaya’t malaking tulong ang naipatupad ngayong kasalukuyan, dahil mas kinikilala na rin ang karapatan ng mga kababaihan.

Binigyang diin pa ni Atty. Abril na “a no is a no” at hindi lisensya ang kasal para i-satisfy ang sarili sa tawag ng laman.

Ikinalungkot naman nito ang mga napapaulat na natatakot na isiwalat at idulog ang kanilang mga traumang dinanas, dahil na rin sa nahihiya o kaya ay ang kawalan ng tamang pagtugon o response ng mga kinauukulan.

Sa inihaing House Bill 401 ng Gabriela ay palalawakin ang kahulugan ng rape o panggagahasa, kaakibat ang layuning maproteksyunan ang karapatan ng mga misis laban sa panggagahasa o pag-abuso at anumang karahasan ng kanilang mga mister.