Dagupan City – Mahigipit na tinututukan ang pagmomonitor ng anti-plastic ordinance sa pamilihan sa bayan ng Calasiao.
Ayon kay Teddy Tuliao, market supervisor ng Calasiao Public Market, layunin nito na mabawasan ang paggamit ng plastik sa kanilang bayan dahil nakakabawas ito sa kanilang naiipong basura upang maiwasan ang pagbaha dahil karaniwan sa nakikitang dahilan ng pagbaha ay ang pagbara ng mga plastik sa ilang mga drainaige o sa mga kanal.
Samantala, katuwang naman sa pagpapatupad ng inisyatiba ay ang Municipal Environment and Natural Resources Officer (MENRO), at Kalikasan Team.
Kung saan ay nag-iikot ikot ang mga ito tuwing umaga upang masuri kung sinong vendor o stall ang lumalabag sa ordinansa.
Ang mga nahuhuling lumalabag sa ordinance no.9, series of 2023 ay bibigyan umano ng warning o penalty, at sa katunayan ay may mga ilan na rin silang nahuling lumabag.
Samantala, sa kabila ng ordinansa, ikinokonsidera naman ng mga ito ang paggamit ng plastik sa isda and karne ngunit dapat ay “Single-use plastic” lamang.
Binigyang diin naman ni Tuliao ang ilang mga alternatibo gaya na lamang ng eco bag o paper bag para paglagyan ng mga pinamili.