Tiniyak ni police capt. Denny Torres, spokesperson ng Regional Maritime Unit 1o RMU1 na tuloy tuloy ang seaboard patrol operation sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay Torres, tuloy ang pagsasagawa nila ng anti illegal fishing operation at nang mahuli ang mga nagsasagawa ng blast fishing activity at mga violator ng environmental law.
Nagtalaga rin sila ng karagdagang personnel para magbantay hindi lang sa Lingayen gulf kundi sa buong region 1.
Samantala, nagsasagawa rin sila ng pagpupulong sa mga fisherfolks upang maiayos ang kanilang mga palaisdaan at hinimok silang ireport ang mga gumagawa ng illegal fishing.
Samantala, marami silang programa kaugnay sa pangangalaga sa kapaligiran gaya na lamang ng coastal clean up at mangrove planting activity sa may bayan ng Infanta.
Binigyang diin nito na mandato ng Martime group na pangalagaan ang kalikasan.