BOMBO DAGUPAN– Tinututukan ngayon ng Pangasinan Police Provincial Office ang mga criminal group o criminal gang na namomonitor sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay PCol Jeff E. Fanged, Provincial director ng Pangasinan Police Provincial Office, masusi nilang tinututukan ang mga ito upang maging maayos at mapayaba ang pagdaraos ng midterm election sa susunod na taon.

Bagamat wala silang listahan ng mga Private armed group pero kanilang tinututukan ang mga namomonitor na mga criminal gang na sangkot sa ilegal drugs and firearms upang sila ay mahuli, mipakulong at tuluyang mapuksa .

--Ads--

Samantala, tuloy tuloy sa paglalatag ng mga programa ang Pangasinan PPO lalo na sa mga eskuwelahan, ang kanilamg anti ciminality campaign, pagtutok sa illegal drug at illegal firearms.